Higit P4-M na ayuda sa mga apektado ng baha sa BARMM, naipamahagi na ng pamahalaan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na agad na magpaabot ng tulong sa mga lugar na apektado ng Habagat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa tala ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD), umaabot na sa 4,165,000 ang naipamahagi nilang financial assistance sa mga apektado ng pagbaha sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Tigli-limang libong piso naman ang iniabot sa mahigit isandaan at tatlumpung households na partially damaged ang tahanan.


Samantala, binigyan din ng tigsa-sampung libong pisong burial assistance ang apat na pamilya.

Kabilang sa mga nahatiran na ng tulong ang Matanog Maguindanao del Norte at Balabagan Lanao del Sur.

Maliban sa tulong pinansyal, namahagi na rin ang DSWD ng mga food and non-food items sa mga apektadong residente.

Facebook Comments