Higit P40-M halaga ng cocaine, nasabat sa karagatan malapit sa Catanduanes

Photo from the Bicol Police Regional Office

Mahigit P43.1 millon halaga ng bloke ng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Bagamanoc, Catanduanes.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, tatlong mangingisda ang nakakita sa pitong bloke ng cocaine na may timbang na mahigit 8.6 kilos dakong 1:00 Lunes ng hapon.

Aniya, nakalagay ang cocaine sa fishnet container at may mayroong markings ng dollar sign.


Ibinigay aniya ng mga mangingisda at lokal na opisyal ang mga bloke ng droga sa Bagamanoc Municipal Police Station.

Nakatakda namang dalhin ang mga kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol Region.

Facebook Comments