HIGIT P40 MILYONG HALAGANG NATIPID NG LGU BINMALEY, NAKATAKDANG ILAAN SA SCHOLARSHIP ASSISTANCE PROGRAM NG BAYAN

Inihayag ng Lokal na pamahalaan ng Binmaley ang natipid nitong budget noong taong 2022 kung saan mayroon pang natitirang higit P40-milyon.
Ito ang sinabi ni alkalde ng bayan na si Mayor Pedro “Pete” Merrera III sa kanyang State of the Municipal Address o SOMA kahapon kung saan kanyang ipinagmalaki na mayroon pang natitirang kabuuang sa P40,373,964.55.
Ayon sa kanya, kanila itong naipon dahil sa isinagawang masusing pag liliquidate sa mga government expenditures.

Nabanggit ng opisyal na ang halagang ito ay ilalaan sa scholarship program ng LGU na may layuning mas madagdagan pa ang mga iskolar sa kanilang bayan kung saan nasa dalawandaang mag-aaral ang nakatakdang maging iskolar.
Samantala, sa ilalim ng scholarship program, ang bawat scholar ay makakatanggap ng tig- P5, 000 kada semester ng kanilang pag-aaral.
Titiyakin naman ng LGU na pipiliing mabuti ang pagpili sa mga estudyante at kanila ding tiniyak na walang magaganap na palakasan system sa pagpili ng iskolar at idadaan ito sa patas na eksaminasyon. |ifmnews
Facebook Comments