Higit P400-K halaga ng shabu, nakuha sa babaeng tulak ng iligal na droga

Hawak ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang babaeng tulak ng droga na nahulian ng mahigit P400,000 na halaga ng shabu.

Ayon kay Police Brig. Gen. Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District (SPD), ang suspek ay kinilalang si Salama Utto.

Naaresto si Utto sa Francis St., Brgy. Central Signal, Taguig City matapos bumili ang isang police asset ng iligal na droga.
Nakuha ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station sa suspek ang 13 sachet ng shabu na may bigat na humigit kumulang 60 grams at may standard drug price na P408,000.


Kasama pa sa nakuha kay Utto ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ang mga na-recover na kontrabando ay ipinasakamay na sa SPD Forensic unit para sa chemical analysis.

Facebook Comments