HIGIT P400-K NA TULONG PANGKABUHAYAN, IPINAGKALOOB NG DOLE QUIRINO

CAUAYAN CITY – Pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan ang Adivay Tau Farmers Association (AFTA) sa Brgy. Dibibi, Cabarroguis, Quirino kung saan ay apektado ito nang labanan sa pagitan ng gobyerno at New People’s Army.

Nakatanggap ang naturang asosasyon ng higit P400-K bilang kabuhayan package para sa paggawa ng banana chips at harina na binubuo ng banana slicer, pulverizing machine, packaging materials, dehydrator, refrigerator, at iba pa sa pangunguna ni DOLE-Quirino Field Office Head Geraldine Labayani.

Maliban dito ay nagkaroon din ng pagsasanay ang mga miyembro sa paggawa ng banana chips at harina, at tinuruan din sila ng simple bookkeeping sa tulong naman ng DTI Provincial Office.


Sa tulong ng 86th Infantry Battalion Philippine Army at mga kawani ng DOLE, nabuo ang AFTA na mayroong 79 na miyembro sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi dahil sa pinagsanib na pwersa ng DOLE, DTI, 86th Infantry Battalion Philippine Army at LGU Cabarroguis.

Facebook Comments