HIGIT P400K HALAGA NG SHABU, NASABAT SA LUNGSOD NG SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Umabot sa halagang P408,000 ang nasamsam ng mga otoridad sa isang watch listed drug personality sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Berto”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing probinsya.

Nasamsam sa kanya ang 60 grams ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php408,000 at isang (1) piraso ng plastic bottle na naglalaman ng marijuana oil na may volume na 60ml na nagkakahalaga ng P3,500.00.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments