Higit P45-M na halaga ng Marijuana, Nadiskubre sa Benguet

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa higit P45 milyon na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana, seed at stalks ang natagpuan at pinagsisira ng mga otoridad sa tagong bulubundukin na sakop ng Sitio Palwa, Sagpat, Kibungan, Benguet.

Sa ulat ng PNP Cordillera, umabot sa 12 sako ng iligal na marijuana ang sinira ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division (RID), Regional EOD, Canine Unit (RECU), PDEA-CAR at Benguet PPO.

Ayon kay PCol. Elmer Ragay, OIC- Regional Intelligence Division, isang operasyon ang inilunsad matapos madiskubre ng kanilang tropa ang malawak na taniman sa lugar.


Nadiskubre ng mga otoridad ang dalawang plantasyon ng marijuana kung saan 12,950 fully grown marijuana ang kasamang sinira at pinagsusunog ng mga operatiba.

Una rito, natagpuan ng mga otoridad ang 12 sako ng marijuana, 300 metro mula sa plantasyon.

Wala namang nahuling suspek sa likod ng malawak na taniman pero pagtitiyak ng PNP na patuloy ang kanilang gagawing operasyon upang tuluyang masugpo ang droga.

Facebook Comments