HIGIT P4M HALAGA NG SHABU, NAREKOBER SA BAYBAYIN NG AGNO

Muling nakarekober ng kahina-hinalang plastic ang ilang mangingisda sa dalampasigan ng Brgy. Boboy, Agno, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hapon nang mapansin sa daungan ng mga bangka ang kahina-hinalang plastic.

Nakilala ng mga mangingisda ang pamilyar na hitsura ng mga isinukong illegal na droga sa napulot na plastic dahilan upang agad itong ipagbigay alam sa awtoridad.

Nang buksan ng awtoridad ang nilalaman nito, tumambad ang hinihinalang illegal na droga na may timbaang na 600 gramo at may kabuuang halaga na P4,080,000.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments