Pinaigting ng Police Regional Office 1 ang anti-criminality operations noong Disyembre, na nagresulta sa pagkakasabat ng higit P5.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa Ilocos Region.
Ayon sa PRO1, umabot sa P5,881,199.20 ang halaga ng mga nakumpiskang droga mula sa 106 operasyon na isinagawa ng pulisya. Kabilang dito ang 3,500 gramo ng marijuana plants, 2,000 marijuana seedlings, 4,068.30 gramo ng dried marijuana leaves, at 1,960.41 gramo ng shabu.
Bukod dito, nakasamsam din ang mga awtoridad ng P174,898 halaga ng 2,984 piraso ng ipinagbabawal na paputok noong bagong taon. Dalawampung indibidwal naman ang naaresto dahil sa paggamit ng boga, kabilang ang pagkakakumpiska sa 17 armas sa buong rehiyon.
Tiniyak ni Regional Director PBGEN Lou Evangelista ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ngayong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments