
Iniulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na aabot na sa ₱5.2 bilyun na halaga ng bank accounts ang naka-freeze na.
Ito’y kaugnay ng anomalya sa mga flood control project base sa naging kautusan ng Courts of Appeals.
Sa ginanap na MOA signing sa pagitan ng AMLC at Department of Public Works and Highways (DPEH), sinabi ni AMLC Exec. Dir. Atty. Matthew David, hindi pa kasama dito ang mga real state properties at personal properties ng mga personalidad na sakop ng freeze order.
Nabatid na nagawa ito ng AMLC matapos mabigyan ng kapangyarihan ng CA na suriin o magsagawa ng mga bank inquiry.
Partikular sa halos 2,000 bank accounts na sakop ng inilabas na freeze order lanan sa mga sangkot sa anomalya.
Ayin pa kay David, magtatagal lamang ang proseso o pagsusuri sa iba pang accounts dahil patuloy ang imbestigasyon ng kanilang mga tauhan.
Sisilipin rin ng AMLC kung may mga nagtatangka o nagkapagpalabas na ng pera ang mga nasabing indibdwal bago pa man ilabas ang freeze order.









