Umabot sa P53.23 million ang naipagkaloob na financial assistance at government services ng pamahalaan sa mga nagbalik-loob sa batas mula sa Misamis Occidental.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-abot ng tulong sa deklarasyon ng insurgency-free status ng probinsya.
Nakatanggap ng tig-P10,000 ang 120 na mga dating rebelde sa ilaim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ng Department of Social Welfare and Developmente (DSWD).
Namahagi rin ng P4, 000 hanggang P5,000 ang pangulo sa 5,000 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.
Habang nagbigay rin ang pamahalaan ng P10.13 million sa illaim ng Sustainable Livelihood Program para sa 37 asosasyon at P4,380 para sa 5,000 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).