Higit P50 milyon na Tanim na Marijuana, Pinagsisira; Ilang Bricks rin, Narekober

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa higit P59 milyon (Php59,360,000.00) ang halaga ng Marijuana na pinagsisira at sinunog ng mga otoridad sa kanilang tatlong araw na Marijuana eradication sa ilalim ng OPLAN 08 INDIA ‘’INVINCIBLE” at CIDG OPLAN JOLLY GREEN sa Barangay, Loccong, Tinglayan, Kalinga mula April 20-22, 2021.

Magkatuwang na sinalakay ang lugar ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Kalinga PPO, PDEA-CAR Kalinga PO, Tinglayan MPS, CIDG, 1st KPMFC, 2nd KPMFC, RID/RPDEU PRO-COR/RIU14, PIU Kalinga, PNP DEG SOU 1, at Naval Forces Northern Luzon ang mismong plantasyon ng iligal na Marijuana.

Umabot sa 128,800 piraso ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa tatlong lokasyon mula sa 13,600 square meters na lupain.


Samantala, narekober rin ng mga otoridad ang pitong (7) sako na naglalaman ng 270,00 grams ng pinatuyong bricks ng marijuana leaves at stalks na nakabalot na tumitimbang ng humigit kumulang 10,000 grams at nasa kabuuang halagang P33,600,000.

Pinuri naman ni Kalinga Provincial Director PCol. Davy Vicente Limmong ang mga tropa ng otoridad sa matagumpay na nagsagawa ng operasyon sa lugar.

Facebook Comments