HIGIT P539M ANNUAL BUDGET NG MANGALDAN SA 2026, APROBADO NA NG SANGGUNIAN

Aprobado na ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang Annual Investment Program (AIP) at Annual Budget para sa taong 2026 at handa nang i-endorso sa Sangguniang Panlalawigan.

Naglalaman ng PHP 539,035,706 ang annual budget na ilalaan sa sahod at benepisyo ng mga empleyado, Maintenance and Other Operating Expenses, Development Fund, MDRRM Fund, pagbabayad ng utang, scholarship grants at Gender and Development programs.

Nakasaad din sa badyet na prayoridad na proyekto sa susunod na taon ang pagpapaganda ng pamilihang bayan, slaughterhouse, mga kalsada at drainage, farm-to-market roads, at paglalagay ng solar lights sa mga barangay.

Bagama’t bumaba ng halos sampung milyong piso ang sa National Tax Allotment (NTA) ng bayan, tumaas pa rin ang kabuuang pondo ng mahigit P37 milyon bunsod ng inaasahang lokal na kita at economic enterprises, mas mataas ng halos 8% kumpara noong 2025.

Ayon sa pamahalaan, sisikapin pa ring maihatid nang mahusay ang serbisyo publiko sa kabila ng pagbawas sa pondo ng ilang tanggapan.

Nasa PHP 501,334,234.00 ang total appropriation ng Mangaldan na inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan para sa taong 2025.

Facebook Comments