Higit P5M pisong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Maynila

Aabot sa 850 gramo ng shabu o may katumbas na P5.7 milyong piso ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Maynila.

Mismong sina Manila Police District o MPD Chief Police Brig. General Bernabe Balba at MPD Station 1 Commander Christopher Navida ang nagprisinta sa mga suspek na dalawang lalaki at isang babae.

Nakilala sila na sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia.


Bukod sa Nasabat na mga iligal na droga, nakuaj din sa kanila ang buy bust money na P16,000 at tatlong cellphones na bineberipika na ngayon para malaman kung sino-sino ang nakatransaksyon ng mga ito.

Ayon kay general Balba, ang tatlo ay mga kilabot na tulak ng droga, na nagmula umano sa Mindanao kung saan may mga tao sila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Nabatid na matagal nang under surveillance ang tatlo hanggang sa masakote sila sa buy bust sa isang parking area sa Simoun de Jesus Street, Barangay 125, Balot, Tondo.

Sa nggayon, nasa kustodiya ng mpd ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments