HIGIT P6-M HALAGA PARA SA TUPAD PROGRAM, IBINIGAY SA LGU PALANAN

8

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa lokal na pamahalaan ng Palanan ang tseke na nagkakahalaga ng P4,785,000.00 mula kay Labor Secretary Silvestre Bello III para sa TUPAD program.

Bukod dito, namigay rin ng tseke si Congressman Ed Christopher Go na nagkakahalaga ng P1,435,500.00 para sa karagdagang pondo ng nasabing programa.


Personal namang dumalo sa nasabing aktibidad si DOLE RO2 Regional Director Joel M. Gonzales at Palanan, Isabela Mayor Elizabeth B. Ochoa.

Facebook Comments