*San Juan City – *Aabot sa P66 milyong halaga ng ibinebentang pekeng designers bag ang nasamsam ng NBI sa isang mall sa San Juan.
Sa bisa ng search warrant, agad kinumpiska NBI ang mga pekeng bag sa ilang stall sa Greenhills.
Hindi rin nakaligtas ang mga nagsarang tindahan matapos sapilitang buksan ng mga operatiba.
Ayon kay NBI Intellectual Property Rights Division Chief Atty. Glen Ricarte, isang dayuhang kumpaniya ang nagreklamo sa naturang mall sa pagbebenta ng mga designers bag sa murang halaga.
Nakatakda namang kasuhan ang mga nagmamay-ari ng mga stall dahil sa pagbebenta ng pekeng produkto.
Facebook Comments