HIGIT P6M, INILAAN PARA SA KONSTRUKSYON NG SILID-ARALAN

CAUAYAN CITY – Isang bagong dalawang-palapag na gusali ang itatayo ng Lokal na Pamahalaan ng Cabatuan sa Cabatuan National High School upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan at mabawasan ang siksikan ng mga mag-aaral.

Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P6,505,850, ay pinondohan mula sa Excise Tax Fund at maglalaman ng apat na silid-aralin.

Ang konstruksyon ng gusali ay inaasahang makukumpleto sa darating na ika-tatlumput’ isa ng Hulyo taong kasalukuyan, na magbibigay ng mas maayos na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga estudyante.


Facebook Comments