Higit P7-M halaga ng iligal na droga, naharang ng BOC

 

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpapalusot ng iligal na droga sa Port of Clark.

Kumpara sa naunang dalawang insidente ng drug smuggling na galing Amerika, export o palabas patungong New Zealand ang nasabat ng mga awtoridad.

Ayon sa Bureau of Customs, galing Paranaque City ang shipment na agad isinailalim sa alerto matapos dumaan sa x-ray.


Matapos suriin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirma na shabu ang laman ng 3 plastic packs na tumitimbang ng 1,104 grams o lagpas isang kilo.

Natuklasan ito na nakatago sa loob ng isang shaft drive ng motorsiklo.

Sa pagtaya naman ng PDEA, nasa higit 7.5 milyung piso ang halaga ng drogang naharang ng BOC sa Clark.

Facebook Comments