Higit P70 na bigtime rollback sa LPG namumuro sa hunyo

May bigtime rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) pagpasok ng hunyo.

 

Sa pagtaya ng oil industry – nasa P6.40 kada kilo ang bawas-presyo sa LPG.

 

Katumbas ito ng P70.40 na rollback sa kada 11-kilogram na LPG tank.


 

Ang bawas-presyo ay bunsod ng pagmura ng contract price ng imported na LPG nitong nagdaang linggo.

 

Gayunman, posible pang magbago ang nasabing halaga ng rollback hanggang sa May 31 oras na matukoy na ang final contract price ng LPG ngayong buwan.

 

Facebook Comments