Higit P700 daily minimum wage, ihihirit ng ALU-TUCP

Manila, Philippines – Maghahain ngayong araw ng petisyon para sa dagdag na arawang sahod ng mga manggagawa ang Associated Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP).

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, P710 wage hike petition ang kanilang hihilinging dagdag sahod para sa mga maggagawa sa Metro Manila.

Aniya, hindi na kasi sapat ang P537 na minimum wage para tustusan ang pangangailangan ng ordinaryong manggagawa.


Maliban sa Metro Manila, hihilingin rin nila na taasan ang minimum wage sa Cebu at Davao.

Facebook Comments