Nasakote ang tatlong lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na pawang mga residente sa lungsod.
Nakumpiska mula sa mga ito ang tinatayang 10.5 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang P71, 400, kabilang na ang boodle at marked money.
Nasa kustodiya na ng Dagupan City Police Office ang mga suspek habang inihahanda labang sa mga ito ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments









