Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga cocaine na nasabat sa mag-inang Singaporean national na nagkakahalaga ng mahigit P76 million.
Ang mga cocaine ay isinilid sa malalaking capsule na inilagay sa loob ng lata ng biscuits, canister at mga boxes na natagpuan sa ilalim ng kanilang luggage.
Kabuuang 14,360 grams o mahigit 14 kilos ang timbang ng mga nasabat na cocaine na may street value na aabot sa P76,108,000.
Ang mag-ina ay nakasakay sa Qatar Airways Flight QR 928 na lumapag sa NAIA Terminal 3 mula Doha, Qatar.
Samantala, nakatakda nang dalhin ang mag-ina sa PDEA sa Quezon City kasama na ang mga kontrabando para sa karagdagang imbestigasyon.
Facebook Comments