Tinalakay ng iba’t-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang nakabinbin na higit P7M na kabuuang utang ng pitong barangay sa hindi nakolektang garbage tipping fee.
Ang naturang bayarin ay nakasaad sa Municipal Ordinance No. 2018-118 na kinokolekta sa bawat kabahayan upang mailipat sa Mangaldan Transfer Facility ang mga basura hanggang maibagsak sa Urdaneta City Sanitary Landfill.
Kabilang sa mga barangay na nakararanas umano ng problema sa paniningil ay Brgy. Anolid, Bantayan, Embarcadero, Guilig, Malabago, Banaoang, at Poblacion.
Bukod dito, isa-isa ring nirereview ng alkalde ang mga resibo sa garbage tipping fee ng mga barangay matapos ang ilang ulat na ilang kolekto ang hindi nag-iisyu ng resibo.
Iminungkahi ng alkalde na magkaroon ng masterlist ang bawat barangay upang makita kung ilang kabahayan ang kinakailangan magbayad ng kanilang responsibilidad dahil sa naturang bayarin na humuhugot ng pondo ang tanggapan upang maibagsak ang residual waste ng bayan sa Sanitary Landfill.
Nakatakda muling magkaroon ng pagpupulong ang mga ahensya at barangay sa patuloy na review ng mga resibo upang maresolba ang isyu. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments