Higit ₱8 billion na cash allocation, handa nang ipamahagi para sa mga magsasaka

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA), na nagkakahalaga ng higit sa ₱8 bilyon sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay para sa pamamahagi ng ₱5,000 subsidy sa higit 1.5 milyon na mga eligible rice farmer para sa 3rd at 4th quarter ng 2022, alinsunod sa pagpapatupad ng Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) program na susuporta sa magsasaka na apektado ng Rice Tarrification Law.

Ayon kay Secretary Amenah Pangandaman, ang unconditional cash assistance ay magbibigay tulong sa mga magsasaka para sa pagkuha nila ng mga farm input tulad ng fertilizer.


Aniya, maaari rin itong magbigay ng kaluwagan sa mga magsasaka mula sa mga nagdaang kalamidad.

Matataandaang noong Marso 2022, ay naglabas ang DBM ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng higit ₱8.9 bilyon sa DA, sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations ng General Appropriations Act para sa taong 2022.

Facebook Comments