Cauayan City, Isabela- Umaabot sa P880,000 ang halaga ng Marijuana Plantation na sinira ng mga kasapi ng Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (DEU/PIU) ng Kalinga Police Provincial Office, Tabuk CPS, Regional Intelligence Division (RID) PROCOR, Regional Intelligence Unit (RIU-14), First at Second Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st and 2nd KPMFC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB 15), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga ngayong hapon sa New Balbalan, Lacnog, Tabuk City, Kalinga.
Tinatayang nasa 4,000 fully grown plantation at 2,000 Marijuana seedling mula sa 400 square meters na lupain ang pinagsisira ng mga otoridad.
Pinagsusunog rin kalaunan ang mga binunot na Marijuana habang wala namang naarestong katao na nasa likod ng nasabing malawak na taniman ng Marijuana.
Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa iba pang posibleng plantasyon sa probinsya.