HIGIT P80K HALAGA NG ILEGAL NA KAHOY, NASAMSAM SA BAYAN NG MALLIG

Cauayan City – Nakumpiska ng mga awtoridad sa bayan ng Mallig, Isabela ang mga ilegal na kahoy sa ikinasa ikinasa nilang Anti-Illegal Logging Operation.

Sa pinagsanib na puwersa ng Mallig Police Station, Department Of Environment and Natural Resources, at Regional Maritime Unit 2, nasamsam ang 50 piraso ng kahoy ng Gmelina sa Brgy. San Jose Norte 2, Mallig, Isabela.

Ang nakumpiskang mga puno ay may kabuuang sukat na 1,679 board feet at nagkakahalaga ng P83,952.


Samantala, bigo namang maaresto ng mga awtoridad si alyas “Denden” na siyang suspek sa likod ng Ilegal na aktibidad kaya naman puspusan pa rin ang paghahanap nga mga awtoridad sa kinaroroonan nito ngayon.

Facebook Comments