HIGIT P9.1 MILYONG INISYAL NA DANYOS SA AGRIKULTURA, NAITALA SA LAOAG CITY, ILOCOS NORTE

Nakapagtala ng P9,104,268 na pinsala sa agrikultura ang Laoag City, Ilocos Norte mula sa pananalasa ng Bagyong Uwa/

Mula sa produktong mais at high value crops ang naitalang pinsala na laking kawalan sa mga lokal na magsasaka.

Kabuuang P503,267 naman ang pinsala sa imprastraktura mula sa P216,096 halaga ng nasirang residential buildings at P287,171 sa mga pampublikong gusali.

Bunsod ito ng naranasang malakas na bugso ng hangin na pumutol sa suplay ng kuryente at daluyong maging landslides na nagtulak sa ilang residente na lumikas sa ligtas na lugar.

Kaugnay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments