Nakapaglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱92.346 billion ng ₱165.5 billion stimulus package sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang ₱140 billion ay bahagi ng regular appropriations at ₱25.5 billion ay standby fund.
Sinabi pa ni Avisado na mayroon lamang kailangang clearance mula sa Office of the President partikular ang karagdagang capital infusion sa LandBank at Development Bank of the Philippines.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang LandBank ay mayroong equity infusion na nasa ₱18.472 billion para suportahan ang wholesale banking at para sa mababang interest loans sa mga indibiduwal o grupong nasa mga industriyang apektado ng COVID-19 pandemic.
Nasa ₱6 billion ang equity infusion ng DBP.
Aabot naman sa limang bilyong piso ang inilaan para sa credit program ng PhilGuarantee.
Kailangang mailabas ng DBM ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 bago ito mapaso sa December 19, 2020.