HIGIT P9B HALAGA NG DROGA, KASAMA ANG NASABAT NA HINIHINALANG SHABU SA KARAGATAN NG NORTHERN LUZON, WINASAK

Sinira na ang bilyon-bilyong halaga ng mga droga sa isinagawang high-profile thermal destruction sa isang disposal facility sa Capas, Tarlac.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsunog sa 1,530.647 kilo ng ilegal na droga kung saan umabot sa 9.4 billion pesos ang halaga ng mga ito.

Kasama na rito ang 1.3 tonelada ng mga floating shabu na nagkakahalaga ng P8.8B na magkakasunod na natagpuan sa mga baybayin ng Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Zambales at Cagayan nitong nakaraang buwan.

Tiniyak na walang kahit anong matitirang mga bakas o sangkap sa pamamagitan ng thermal decomposition sa loob ng sampung oras, at sinundan ng labindalawang oras na cooling process.

Samantala, kinilala ang pagiging mapagmatyag at tapat ng mga lokal na mangingisda sa agarang pagbibigay-alam ng mga ito sa kinauukulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments