HIGIT P9M HALAGA, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG TUMAUINI

CAUAYAN CITY- Tumanggap ng cash assistance ang mga senior citizens at persons with disabilities sa bayan ng Tumauini.

Ang distribusyon ay pinangunahan nina Congressman Antonio “Tonypet” Albano, Board Member Jon Añes, Mayor Venus Bautista, Former Mayor Arnold Bautista, Vice Mayor Christopher Uy, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nasa 4,832 benepisyaryo ang tumanggap ng nasabing tulong pinansiyal kung saan nasa P9,664,000 ang kabuuang halaga ng naipamahagi.


Malugod naman na pinasalamatan ni Mayor Bautista si Congressman Albano sa walang sawang pagbibigay tulong sa kanilang bayan.

Samantala, nangako naman si Congressman Albano na babalik siyang muli sa bayan ng Tumauini upang mag-abot ng tulong sa iba pang sektor ng nasabing bayan.

Facebook Comments