HIGIT PHP 1.7 MILYONG HALAGA NG GRATUITY PAY PARA SA MGA EMPLEYADO NG LGU MANGALDAN, TARGET NA MAIBIGAY SA ENERO 2023

Inaasahang sa January 3 igagawad sa first working day ng 2023 ang gratuity pay sa 358 Contract of Service at Job Order employees ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan
Nagkakahalaga ang gratuity pay ng PHP 1,774,000.
Layunin nito na bigyan ng pagkilala ang mga manggagawa ng gobyerno sa kanilang kasipagan bilang kanilang katuwang sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa pati paghahatid serbisyo publiko sa kabila ng pandemya.
Kahapon, naaprubahan ang pagbibigay nang nasabing gratuity pay ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyon sa agarang maiakyat naman sa Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad sa AO No. 3 sa ilalim ng utos ng pangulo na makakatanggap ng one time gratuity pay na hindi lalampas sa ₱5,000 ang lahat ng JO at COS na kawani ng gobyerno na nakapagbigay serbisyo ng hindi bababa sa apat na buwan na may satisfactory performance at may kontrata na umabot sa ika-15 ng Disyembre taong 2022. |ifmnews
Facebook Comments