Aprubado na ang nasa higit 400 milyong piso na supplemental budget ng bayan ng Bayambang.
Ito’y matapos na mapagtagumpayan ng Sangguniang bayan ang mungkahing resolusyon patungkol sa nasabing budget na siyang inendorso ng Municipal Development Council.
Nasa Php 454,610,285.32 ang kabuuang supplemental annual budget na inaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Samantala, sa kabilang banda, patuloy ang pagtutok sa disiplina, kalinisan, at kaayusan sa bayan sa pamamagitan ng inilunsad na Task Force Disiplina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









