Manila, Philippines – Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Nasa P1.30 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, P0.90 sa kerosene at P0.45 sa gasolina.
Alas 12:01 ng madaling araw magpapatupad ng oil price hike ang Flying V habang alas sais naman ng umaga ang shell.
Inaasahang mamaya, mag-aanunsyo na rin ng kanilang dagda-presyo ang ilan pang kumpanya ng langis.
Ito na ang ikawalong sunod-sunod na oil price hike.
Facebook Comments