Manila, Philippines – Asahan ang higit pisong dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso ng energy sources, maglalaro sa P1.10 hanggang P1.20 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.90 sa kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na oil price hike matapos ang apat na linggong sunod-sunod na rollback noong nakaraang buwan.
Ang oil price adjustment na kadalasang ipinatutupad sa araw ng martes ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments