Ipatutupad na bukas ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, tataas ng ₱1.40 ang kada litro ng diesel habang nasa ₱1.20 naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Mayroon ding ₱0.35 price hike sa kada litro ng kerosene.
Epektibo ang price adjustment sa kumpanyang Caltex mamayang madaling araw habang bukas pa ng alas-4:00 ng hapon ito ipatutupad ng Cleanfuel.
Habang alas-6:00 ng umaga naman epektibo ang price adjustment sa mga natitirang oil companies.
Facebook Comments