Higit pisong taas-presyo sa diesel, nagbabadya na naman!

Asahan na ang panibagong oil price hike ngayong linggo.

Ayon sa oil industry sources, nakaambang tumaas ng P1.10 hanggang P1.30 ang kada litro ng diesel habang posible namang bumaba ng P0.05 ang presyo ng gasolina.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang panibagong oil adjustment ay bunsod ng paghina ng piso kontra US dollar.


Nito lamang nakaraang linggo nang magpatupad ng P3.10 dagdag-presyo sa kada litro ng diesel; P1.70 sa kerosene at P0.80 sa gasolina ang mga kumpanya ng langis.

Facebook Comments