Higit pisong taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na bukas

Aarangkada na bukas ang taas-presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, tataas ng ₱1.40 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa ₱1.30 ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene at ₱1.20 naman sa gasolina.


Nakakaapekto sa oil price adjustment ang pagbawas ng Saudi Arabia ng produksyon ng kanilang langis.

Facebook Comments