Isang surprised drug test ang isinagawa ng lokal na pamahalaan para sa mga sangguniang kabataan members mula sa dalawampu’t isang barangay sa bayan ng Asingan.
Sumailalim ang nasa higit pitong daan o 749 na mga elected barangay official at Sanggunian Kabataan (SK) members sa naturang surprised drug test.
Ang pagsasagawang ito ng lokal na pamahalaan ay mula mismo sa utos ng kanilang alkalde.
Naglalayon ang pagsasagawa ng surprised drug test na ito na matiyak na lahat ng barangay officials at sk members ay tumatalima sa kanilang commitment na pagsilbihan at protektahan ang komunidad laban sa iligal na droga. |ifmnews
Facebook Comments