Nakamit ng libong mga estudyante mula sa siyam na school campus ng Pangasinan State University ang pinaghirapang diploma mula sa ilang taong pag-aaral ng mga ito.
Sa naganap na ika-46th na Pangkalahatang Pagtatapos, kabuuang 7, 455 ang matagumpay na nagsipagtapos.
Pinakamaraming graduates ay mula sa PSU Lingayen Campus na may 1, 788, sinundan ng PSU Bayambang sa 1, 466; PSU San Carlos, 1, 135; PSU Urdaneta sa 652; PSU Alaminos na may 637; PSU Asingan sa 594; PSU Sta. Maria na may 488; PSU Binmaley na may 378; PSU Infanta na may 74; at mayroon namang 152 graduates din sa School of Advanced Studies, at 101 naman sa Open University Systems.
Sa ibinahaging mensahe ni PSU President Dr. Elbert M. Galas, binigyang-diin ng nito na ang edukasyon at diplomang tinanggap ng mga nagsipagtapos ay may mas malalim na halaga—hindi lamang bilang titulo kundi bilang matibay na pundasyon sa pagtahak ng mas makahulugang direksyon sa kanilang kinabukasan.
Samantala, ginawaran ang dalawang mag-aaral ng karangalang Summa Cum Laude – pinakamataas na Latin Honors, na pawang mula sa PSU Lingayen Campus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









