Higit pitong milyong deactivated voters, hindi lahat magpapa-reactivate ayon sa Comelec

Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi lahat ng nasa pitong milyong deactivated voters ay mag-a-apply muli para sa May 2022 national at local elections.

Tingin ni Comelec Spokesperson James Jimenez, may ilan sa mga kanila ang lumipat ng ibang lugar, habang ang iba ay nangibang bansa, habang may ilan ang hindi interesadong bumoto.

Sa kabila nito, patuloy nilang hinihikayat ang mga ito na magpa-reactivate.


Noong July 10, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guazon na tanging 600,000 ng 7.3 million deactivated voters ang nagparehistro.

Facebook Comments