HIGIT REHISTRADONG VENDOR SA ASINGAN NAKATANGGAP NG HIGIT 2-MILYONG PISONG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA DSWD

ASINGAN, PANGASINAN – Nakatanggap ang mga rehistradong mga tindero at tindera sa bayan ng Asingan ng cash assistance na aabot dalawang milyon isangdaan pitumpu’t limang libo (P2, 175, 000) sa ilalim ng Social Amelioration Program – Livelihood Assistance Grant ng DSWD.

Ani Mark Vince Brillantes, Project Development Officer ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD kinakailangan na mayroong existing na Negosyo ang isang vendor bago pa man dumating ang pandemya.

Dagdag pa nito navalidate ng kanilang ahensya ang mga napiling benepisyaryo nito at barangay officials ang mga namili sa mga magiging benepisyaryo .


Samantala, nasa dalawan daan at siyamnapu na mga rehistradong vendor na pumasa sa validation ng DSWD ang nakatanggap ng tig P7,500.###

Facebook Comments