Higit sa ₱30B – ₱40B, kinakailangan upang matugunan ang nakaambang rice shortage ngayon taon ayon sa DA

Aabot sa 30-bilyong piso hanggang 40-bilyong piso ang kinakailangan ng administrasyon ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang masolusyonan ang problema sa rice shortage sa bansa ngayong ikalawang kwarter ng taon.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Adriano kasunod na rin ng babala ni Agriculture Secretary William Dar na posibleng maharap sa food crisis ang Pilipinas.

Ayon kay Adriano, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pataba at produktong petrolyo sa world market bunsod ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na sinamahan pa ng epekto ng COVID-19 pandemic, maaaring maramdaman na mga Pilipino ang food crisis nitong last quarter ng 2022.


Giit ng opisyal, nagbigay na sila ng babala sa susunod na administrasyon lalo na’t hindi na nila alam kung sasapat pa ang supply ng bigas sa ikalawang kwarter ng taon.

Aniya, kapag hindi nagbigay ng ayuda sa mga magsasaka para sa fertilizer ay baka magkaproblema sa supply ng pagkain.

Bunsod nito, kailangan aniya ng ₱30 billion to ₱40 billion na pondo para matiyak na magiging sapat ang supply ng bigas sa bansa.

Facebook Comments