Target ng Department of Tourism (DOT) na maabot ang mahigit isang daang libong (114,264) French tourist arrivals sa bansa sa taong 2020.
Ang Pilipinas at France ay sumasang-ayon na patuloy na magtulungan upang mapalakas ang tourism cooperation nang sa gayon ay parehong makinabang ang dalawang bansa.
Una rito, nilagdaan ang summary record of discussion sa ginanap na 1st Philippines-France Joint Working Group Meeting, kung saan tinalakay ang future tourism plans at developments ng parehong bansa.
Napag-usapan din sa pulong ang destination promotion, investment opportunities, air route connectivity and direct flight proposal, gayun din ang two-way tourism traffic.
Sinabi ni Tourism Undersecretary for Development Benito Bengzon ang kagawaran ay nagawang makaakit ng halos 75,000 French tourists noong 2018.
Umaasa ang opisyal sa mas mahusay na koordinasyon at kooperasyon ay maaari itong umabot sa 100,000 tourist arrivals pagsapit ng 2020.