Patuloy na nadaragdagan ang mga naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng tumama ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang ala-1 ng hapon, aabot na sa 2,229 ang naitala aftershocks na may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.
Nasa 758 ang naka-plot na aftershocks o natukoy ang lokasyon ng tatlo o higit pang istasyon sa episentro ng mainshock habang 58 ang naramdaman.
Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling mapagbantay dahil ang mga aftershocks ay maaaring maganap sa mga susunod pang mga araw.
Facebook Comments