Higit sa 200 kaso ng COVID-19, inaasahang makakamit ngayong araw ayon sa OCTA Research

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, nakikita ng OCTA Research na posibleng umabot na lang sa higit 200 ang bagong kaso ng nagpopositibo sa National Capital Region (NCR) ngayong araw.

Ayon kay Guido David ng OCTA Research, aabot na lang sa 332 ang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR at habang umuusad ang panahon ay nakikita nilang patuloy ang pagbaba nito.

Base pa sa datos, 15 siyudad sa Metro Manila ang nakapagtala ng 30 kaso pababa.


Tanging malalaking syudad tulad ng Maynila at Quezon City ang may bahagyang mataas na bilang.

68 sa Quezon City, habang 56 naman sa Maynila ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments