Patuloy na nadadagdagan ang mga naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), matapos ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra.
Sa talaan ng PHIVOLCS, hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga ay aabot na sa 2,286 ang aftershocks simula noong July 27.
Nasa 755 ang plotted na aftershocks o natukoy ang lokasyon ng 3 o higit pang istasyon habang 88 ang naramdaman.
Kaninang alas-4:00 ng mdaling araw ay naramdaman sa Tayum, Abra ang aftershocks na magnitude 3.9 at ito ay nakapagtala ng hanggang sa Intensity 3.
Sa kabila nito paalala ng PHIVOLCS na habang patuloy na nagagalaw ang lupa ay mas lalong humihina ang pondasyon ng mga imprastraktura tulad ng bahay, gusali at maging sa bulubunduking lugar.
Facebook Comments