Natanggap na ng 34,253 na mga manggagawa ang one-time 5,000-peso subsidy ng Department of Labor & Employment (DOLE) para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP.
Sa virtual presscon ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nito na ang nasabing halaga ay tulong sa mga manggagawang lubos na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Nograles, bukod sa 5,000 CAMP subsidy, ang DOLE ay nakapag-distribute na rin ng 165,929 family food packs para sa mga manggagawa.
Kasunod nito, muling sinabi ni Nograles na maaaring dumirekta ang mga apektadong manggagawa sa DOLE lalo na kung ang kani-kanilang mga employers ay walang pagkukusa para makapag avail ng nasabing programa.
Payo nito sa mga apektadong manggagawa na magpasa lamang sa DOLE ng listahan ng mga kasamahan nila nang sa ganun ang gobyerno na ang bahala na magpadala ng limang libong pisong financial assistance sa pamamagitan ng money transfer.