Higit sa 50 personnel ng PCG, tinamaan ng COVID-19

Umaabot sa 54 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinamaan ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia, na sa nasabing bilang, 42 na ang gumaling at 12 na lamang ang patuloy na ginagamot.

Kumpiyansa naman si Ursabia na patungo na rin sa paggaling ang natitirang 12 pa nilang mga tauhan dahil lahat naman ng mga ito ay pawang mga asymptomatic o walang ipinakikitang malalang sintomas ng COVID-19.


Kaugnay nito, mahigpit nilang ipinatutupad ang health safety protocols sa kanilang himpilan.

Sinusuportahan din nila ng pagkain ang mga tauhan ng PCG para mapanatili ang masustansyang diet at binibigyan din ng mga vitamins.

Facebook Comments