Higit sa kalahati ng Adult population sa bansa ay malakas uminom ng nakakalasing na inumin o alcohol.
Ito ay base sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Institute (DOST-FNRI) o 2018 Expanded National Nutrition Survey.
Layunin ng Survey na malaman ang Nutrition Situation ng mga Pilipino.
Ayon kay DOST-FNRI Assistant Scientist, Dr. Imelda Agdeppa, 55.7% ng Filipino Adults ay manginginom, 64.4% ay mga lalaki habang 31% ay mga babae.
Katumbas nito ang mga kumokonsumo ng lima o higit pang standard drinks “in a row” para sa lalaki habang apat o higit pang standard drinks “in a row” sa mga babae.
Pabata rin ng pabata ang mga naninigarilyo, lumabas sa Survey na sa edad 10-taong gulang ay nagyoyosi na, 0.8% ito ng 10-to-12 year old population, habang 1.8% sa 13-15 year old population.
Lumalabas din na maraming filipino adults katumbas ng 42.7% ang mataas ang physical inactivity o hindi masyado gumagalaw.