Higit sa P2.6-M na halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Benguet

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P2.6 million na halaga ng plantasyon ng marijuana.

Anim na taniman ang sinuyod ng PDEA sa Brgy. Tacadang, Benguet.

Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, mahigit sa 13,200 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.4-M at 1,000 piraso ng marijuana seedlings na may halagang P40,000.00 ang sinunog ng mga awtoridad.


Nagsagawa rin pagsira ng marijuana plants ang PDEA Regional Office 1 at PDEA Cordillera parehong barangay kung saan humigit-kumulang P7.5 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana at mga tuyong tangkay ang sinunog.

Gayunpaman, walang naarestong magsasaka sa nasabing operasyon.

Facebook Comments